Share:

THE MAID WITH A GOLDEN CROWN

Azureriel Romance

4985 reads

Tumakas sa sariling kasal ang bride na si Caliyah dahil hindi niya gusto ang lalakeng ipinagkasundo sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Suot-suot ang kaniyang puting traje de voda, sumakay siya sa isang cargo-truck para lamang matakasan ang mga humahabol sa kaniya pati na rin ang kasalang kailanman ay hindi niya ninais na maganap. Sa kaniyang pagtakas, dinala siya ng sasakyan sa isang probinsya kung saan makakagawa siya ng isang bagay na magpapabago sa takbo ng buhay na nakasanayan niya.

Dahil sa kamalditahan ay aksidente niyang nasunog ang malaking bahagi ng sakahan, na naging rason para kamuhian siya ng mga magsasaka sa lugar na iyon. At bilang kabayaran sa pinsalang nagawa niya, kailangan niyang magtrabaho bilang katulong ng isang Asher Yverette Delveña, isang magsasaka na laking probinsya. Ngunit ano nga ba ang alam sa gawaing bahay at lalo't higit sa gawaing bukid ng isang Caliyah Faye Corsiño na isang maarte, spoiled, at maldita na lumaki na may marangyang buhay?

Ngayon ang dating nang-aalila ng mga kasambahay ay isa na ring kasambahay slash magbubukid. Magagawa nga kaya niya ang mga trabaho sa bukid o iiyak na lang siya at papayag na makulong?


—Azureriel

Unfold

Tags: billionairepossessiveindependentmaidtwistedsweetbxgoffice/work placesmall townpunishment
Latest Updated
EPILOGUE

Epilogue

"Grabe parang dati lang ikaw ang kumukuha ng body statistics ng client para sa gagawin mong wedding gown nila. Tapos ngayon ikaw na ang sinusukatan para sa kasal mo," sabi ni Ynes, ang kaibigan at business partner ko sa boutique na ito.

"Oo nga eh. Parang dati lang ako ang kumukuha ……

Comment